34

Nov 5, 2021 @ 16:37
By

P125M Super Lotto jackpot nasolo

Pihadong merry ang Pasko ng isang mananaya mula sa Pangasinan matapos masungkit ang mahigit P125 milyon na jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na binola kagabi, November 4.

Natumpak ng mananaya ang lumabas na mga numerong 05-03-10-17-43-49 na may jackpot prize na P125,692,139.20.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, tinayaan ang winning ticket sa San Carlos City.

Dino-draw ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia/posts/190868296558714

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?