631

Nov 24, 2021 @ 19:32
By

P125M lotto jackpot nasungkit sa lucky pick

Pinalad sa “lucky pick” ang isang lalaki mula sa San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, isang empleyado ng gobyerno ang nagwagi ng P125,692,139.20 sa Super Lotto 6/49 na binola noong November 4, 2021.

Nasapol niya ang ang mga numerong 05-03-10-17-43-49.

Sabi ng jackpot winner, may inaalagaan siyang mga numero ngunit sinuwerte sa “lucky pick”.

Balak daw nitong magtayo ng sariling lotto outlet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: