15

Jul 21, 2021 @ 16:22
By

P120M nilaan para sa BDP sa Northern Samar

Inaprubahan na ang paglalaan ng P120 milyon para sa Barangay Development Program (BDP) sa anim na barangay sa Northern Samar, matapos ideklara na malaya na ang mga ito sa presensya ng New People’s Army (NPA).

Inanunsyo ito ni Myles Colasito, information officer ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Eastern Visayas.

Ang mga barangay na makikinabang ay ang Quezon at Calantiao sa Catarman; Hitopian, Nagoocan at Osang sa Catubig, at San Miguel sa Las Navas.

“These six barangays have been prioritized this year since they are already certified as cleared from the influence of the NPA. They will see tangible proof of the government’s desire to bring development to far-flung areas,” pahayag ni Colasito sa isang phone interview ng PNA.

Ang naturang halaga ay gagamitin para sa pagpapagawa ng farm-to-market roads, water at sanitation system, health station, gusali sa paaralan, koneksyon ng kuryente, at tulong-pinansyal para sa mahihirap, magsasaka, at livelihood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?