25

Aug 4, 2020 @ 16:55
By

P115M laptop ng PhilHealth binunyag ng opisyal

Ibinunyag ng isang opisyal ng PhilHealth ang planong pagbili ng dalawang set ng laptop na nagkakahalaga ng P4.1 milyon at P115 milyon.

Sa pagdinig ng Senate committee of the whole sa alegasyon ng korapsyon sa naturang ahensiya, sinabi ni PhilHealth board member Alejandro Cabading na ang naturang kuwestiyonableng item ay nakapaloob sa panukalang P2.1 information technology (IT) project.

Nauna rito, sinabi ng Commission on Audit na puno ng iregualridad ang IT project ng PhilHealth.

Sa pagsusuri ng COA at ng sailring auditor ng COA, nadiskubreng may anomalya sa planong pagbili ng iba’t ibang equipment na nagkakahalaga ng P734 milyon na hindi naman kasama sa orihinal na budget proposal ng ahensiya.

Sa report ng COA noong Mayo, napag-alamang ang pondo para sa limang information at communications technology (ICT) resource – tulad ng computers, scanners at iba pang item, ay overpriced ng P98 milyon.

“There was really an intent to confuse by splitting one item into two items by listing different descriptions,” sabi ni Cabading.

Ilan sa mga item sa proposal, kung saan ang halaga ay mas mataas o hindi kasama sa Information Systems Strategic Plan (ISSP) ng ahensiya, ay Adobe master Collection software at iba pa.

Nakalista din doon ang dalawang laptop kung saan ang isa ay P4.1 milyon habang isa pang set ay may presyong P115 milyon.

Sabi ni Cabading, inilapit umano niya sa pamunuan ang nasabing maanomalyang panukala subalit hindi siya pinakinggan.

Samantala, dinipensahan naman ni PhilHealth president and CEO Ricardo Morales ang panukalang P2.1 budget para sa IT program ng ahenisya.

Kailangan aniyang i-overhaul ang kasalukuyang imformation management system ng ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?