57

Dec 21, 2017 @ 13:51
By

P11-B calamity fund para sa 2018, walang kaltas – Legarda

Mariing sinabi ni Senadora Loren Legarda na mali ang ulat na tinapyasan nila sa Kongreso ng P11.1 bilyon badyet para sa mga inaasahang kalamidad sa taong 2018.

Ayon sa senadora, chairman ng Senate committee on finance, buo ang hiningi ng Malacanang na national disaster risk and management fund (NDRRM) pero hindi ito isang bultong ibinigay dito kundi hinati-hati sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Layunin umano na maiwasan ang lump sum sa badyet at upang maging mas madali rin sa mga ahensya ng gobyerno na maglabas ng pondo sa panahon ng kalamidad.

Hinati-hati ito ngayon sa Department of Social Welfare and Development (P1.25 B), Department of Agriculture (P1 B), Department of Education (P2B), Department of Public Works and Highways (P1 B), Department of National Defense-Office of Civil Defense (P500 M), Department of Health (P500 M) at National Irrigation Administration (P500 M)

Idiniin ni Legarda na mayroon pa rin namang P19 bilyon na Quick Response Fund (QRF) ang Malacanang pero ang P10 bilyon ay para sa rehabiitasyon ng Marawi City.

Mula sa P9 na bilyon maaring humingi ang mga ahensya ng gobyerno na kailangan ng dagdag kapag naubos ang kanilang QRF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?