61

Dec 31, 2019 @ 16:18
By

P10M tinulong ni Duterte sa Davao del Sur

Nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng P10-million bilang ayuda sa naging paglindol sa Davao del Sur.

Binigay ni Duterte ang tseke kay Gov. Douglas Cagas sa ika-60 founding anniversary ng Cor Jesu College kung saan nag-aral ng high school ang Pangulo.

Magagamit ang pera para makapagpatayo muli ng mga bahay dahil ilang pamilya ang wala pang permanenteng matitirhan matapos ang sunod-sunod na paglindol sa nasabing lugar.

Inaasahan naman na muling babalik si Duterte sa mga bayan ng Malalag at Padada matapos ang bagong taon para makatulong sa pag-rehabilitate ng dalawang lugar na tinamaan ng magnitude 6.9 na lindol.

“I give marching orders to hasten the repair and rehabilitation efforts so that we may have helped those affected resume normal lives and bring renewed hope in the coming year,” saad ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?