26

Jul 20, 2021 @ 18:11
By

P10M red onion nasabat ng Customs

Hinarang ng Bureau of Customs (BOC) ang mga red onion mula China na may halagang P10 milyon na iligal na pinasok sa bansa.

Ayon sa ulat ng BOC nitong Martes, nakatanggap ng alert order mula kay District Collector Romeo Rosales ang mga kawani ng ahensya sa Manila International Container Port (MICP) kaya’t naharang ang mga kontrabando.

Idineklara umano itong mga white onion kahit red onion ang laman nito.

Wika ni Rosales, dapat ay tama ang pagkakadeklara sa mga pumapasok na bagay at sapat din ang mga papeles nito.

“Smuggling of red onions has been greatly affecting local industries,” pahayag ni Rosales.

Naglabas na ng warrant of seizure and detention ang BOC laban sa shipment, na naka-consign sa Flevo Trading.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?