64

Oct 4, 2019 @ 14:06
By

P10K dagdag-sweldo ibigay sa mga guro – Pia Cayetano

Ang pagbigay ng umano ng karagdang suweldo sa mga guro ang pinakamainam na regalo sa kanilang sa paggunita ng National Teachers’ Day ngayong Sabado, Oktubre 5, ayon kay Senadora Pia Cayetano.

Si Cayetano ang author ng Senate Bill 70 o ‘Additional Support and Compensation for Educators in Basic Education Act’ na naglalayong itaas ng P10,000 ang buwanang suweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng panukala, ang salary hike ay gagawin sa loob ng tatlong taon sa tatlong bahagi kung saan sa P4,000 muna sa unang taon, P3,000 sa ikalawang taon at P3,000 ikatlong taon.

Ang panukala ay kasalukuyang tinatalakay kasaba ang iba pang mga panukala sa working group sa ilalim ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

“Raising the compensation of teachers affirms the dignity of the teaching profession. This will not only improve their lives, but also inspire them to further improve,” paliwanag ni Cayetano.

“We have so many hardworking teachers who deserve more support. Also, we can still do better to make the teaching profession more attractive to the best and brightest,” dagdag niya.

Nangako naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kanilang itutulak sa Senado ang mga panukala na may kinalaman sa dagdag na suweldo at benepisyo ng mga public school teacher.

“I shall push for pay hikes and direct grants to teachers and prioritize the bills filed in the Senate. Our teachers deserve more than we have managed to give them such as salary increases in line with the Salary Standardization Law in 2015 mandating a series of increases in four years that ends this year,” sabi ni Zubiri.

“Government has promised to institute another round of government pay hikes. We will initiate the push for pay hikes in the Senate,” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?