9

Nov 8, 2020 @ 15:37
By

P10K ayuda sa mga winasak na bahay ni ‘Rolly’

BIbigyan ng abot sa P10,000 na cash aid ang mga pamilyang nasira ang bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario, magtutulong ang National Housing Authority (NHA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pondo ng naturang ayuda.

“Ang NHA at DSWD, meron itong pondo na nakalaan, pondo para sa immediate financial assistance na puwedeng ibigay sa mga kababayan natin na ang kanilang mga bahay ay naapektuhan,” saad ni Del Rosario sa DZBB.

P10,000 ang matatanggap ng mga pamilya na tuluyang nawasak ang mga tahanan, habang P5,000 naman sa mga partially damaged na bahay.

Sisimula sa Miyerkoles ang pamimigay ng cash assistance, kung saan karamihan sa inaasahang makatatanggap nito ay mga residente ng Bicol region, Calabarzon at Mimaropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?