18,237

Jun 16, 2019 @ 16:15
By

P100M kubra ng Kapa, nakuha ng SEC

Binakuran ng Court of Appeals ang nasa P100M na deposit na may koneksyon sa Kapa-Community Ministry International Inc.

Ito ay matapos makakita ng sapat na group ang CA na mag-issue ng freeze order sa yaman ng Kapa sa pamamagitan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at paglabag sa Securities Regulation Code.

Dahil sa pag-freeze ng CA, nakuha ng Securities and Exchange Commission ang nasa P100M na halagang nakalap ng Kapa sa kanilang mga miyembro.

“KAPA amassed wealth through an investment scam, in the guise of religion and at the expense of the investing public,” ayon kay SEC chairman Emilio Aquino.

Maliban pa ditto, ilan pang mga asset ang tinitingnan ng SEC tulad ng siyam na luxury car at ilang SUV. Sinabi rin na mayroong helicopter na nakapangalan sa KAPA at mga opisyal nito.
“We cannot simply wait for the fraudulent investment scheme to crumble and for the investors to suffer before we take action,” ayon pa kay Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?