2,491

Feb 26, 2020 @ 13:25
By

P100M kada buwan binubuhos sa seguridad ni Duterte

Ginagastusan ng 100 milyong piso kada buwan ang Presidential Security Group (PSG) para higit pang mapaigting ang kakayahan ng mga sundalong nangangalaga sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang pamilya nito.

Sa ginanap na change of command ceremony ng PSG nitong Martes ng hapon sa Malacañang Park, Manila, sinabi ng Pangulo na hindi siya nagpapalakas sa PSG kundi ito ay para na rin mapaigting ang kanilang kaalaman sa kanilang karera.

Bahagi ng pondo ay para sa training classes at schooling ng mga miyembro ng PSG.

“I’s not because I want to rub it in. But you know, the PSG binigyan ko ng 100 million a month,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi lang naman ang PSG ang binubuhusan ng pondo kundi pati na rin ang V.Luna Hospital na tumatanggap ng P50 million kada buwan, at P50 million sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa gamot ng mga sundalo.

Para naman sa mga sundalong baldado at nawalan ng kamay o paa, tiniyak ng Pangulo na makakalakad at magagamit muli ang kanilang mga nawalang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng prosthetics at robotics na ikakabit sa mga ito at muling makakabalik sa serbisyo.

“For those who were…naging baldado, I said I guarantee them that they can walk again and use their arm again. And it’s gonna be the prosthetics and robotics. I assured them that they will back in their service ,” dagdag pa ng Pangulo.

Nangako si Pangulong Duterte na ibibigay niya ang state of the art para sa mga nadisgrasyang sundalo habang siya ang nakaupo sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?