17
views

By

P100K, reward para sa makakapagturo sa killer ng MTPB official

Sharing is caring!

Magbibigay ng P100,000 pabuya ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) para sa makapagtuturo at makapagbibigay impormasyon sa suspek sa pamamaril at pagpatay sa kanilang Team leader.

Ayon kay Dennis Alcoreza, Head ng MTPB, hindi malayong may kinalaman sa trabaho ang pagkakapatay kay Ruben Pangindian, team leader ng towing operations ng MTPB habang nasa kalagitnaan ng kanilang operasyon sa paghahatak ng truck sa bahagi ng Parola compound.

Hawak na rin aniya ng MPD Homecide Section ang kopya ng CCTV, sa isa pang kaso ng pagpatay sa kanilang tauhan at ayon sa ilang nakasaksi sa pagbaril sa biktima na iisang tao lamang ang may kagagawan ng krimen.

Dati umanong operatiba ng Manila Tricycle Regulatory Office ang suspek na may standing warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay sa isa ring operatiba ng MTPB.

Nagmula ang 100,000 pabuya sa mga ambag ng kanyang mga kasamahan at mga opisyal ng MTPB.

Isinugod pa sa ospital ang sugatang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?