20
Tulak
By

P100K droga, nakumpiska sa 2 tulak sa QC

Sharing is caring!

Tinatayang aabot sa P100,000 halaga ng high grade marijuana, ecstasy at cocaine ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police District -Drug Enforcement Unit (QCPD-DEU) sa naarestong dalawang hinihinalang tulak sa isinagawang  buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Merhan Jahiron, 28, sales assistant , ng No. 80-D K9 St., Brgy. East Kamias, at Jovan Cariño, 20, walang trabaho, ng No. 1066A Vicente Cruz St., Brgy. 475 Zone 47, Sampaloc, Manila.

Ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar, ang pagkakadakip sa mga suspek ay resulta ng isinagawang anti-drug operation, kung saan gumagamit pa ng social media sa kanilang illegal drug  activities  at ang bayad ay idinedeposito sa kanilang bank accounts ang mga ito.

 Alas-10:30 ng gabi ng Enero 11 nadakip sa Shell gasoline station sa E. Rodriquez Sr. Avenue cor. D. Tuazon St., Brgy.Doña Josefa, QC sina Jahiron at Cariño.

 Nakumpiska mula sa kanila ang apat na sachets ng Kush o high grade marijuana (na tumutubo lamang sa bansang Afghanistan, Pakistan at India),  21 tableta ng ecstasy,  at  dalawang  self-sealing plastic bags ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P100,000.

Nakapiit ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?