81
guro

P10,000 umento sa sahod, isinusulong ng mga guro

Sharing is caring!

Matapos magpahayag na magsasagawa ang libo-libong guro ng ‘mass leave’ kapag hindi tumaas ang kanilang mga suweldo, isinusulong naman ngayon ng isang grupo ng mga teacher ang P10,000 salary increase.

Iginiit ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) national chairperson Benjo Basas na maliit lang ang makukuhang umento ng mga guro sa Salary Standardization Law (SSL).

Taliwas aniya ito sa pahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Benjamin Diokno, na tataas ng hanggang 16% ang suweldo ng mga guro dahil sa SSL.

Niliwanag ng pinuno na hindi sila umasa nang sabihin ng Malacañang na balak doblehin ang sahod ng mga teacher, ang gusto lang nila ay isulong ang P10K umento sa kanilang suweldo.

Aniya, binibigyan naman nila ng konsiderasyon ang gobyerno dahil hahatiin sa tatlong bahagi ang P10K, kung saan unang tranche nito ay P4,000; ang ikalawa ay P3,000 at panibagong P3,000 sa ikatlong tranche.

Paliwanag pa niya, ang natatanggap ng entry level na public school teachers sa bansa na salary grade 11 ay pinakamababa kumpara sa ibang propesyunal na hindi alinsunod sa paniniwala na ‘teaching is a noble profession’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?