5

Nov 3, 2020 @ 18:42

P1,000 pa-birthday sa PWD nilalakad sa Kongreso

Hinain ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan ang panukalang batas na magbibigay ng P1,000 tuwing kaarawan ng mga rehistradong persons with disability (PWD).

Ang House Bill No. 7907 o ‘Birthday Cash Gift (BCG) for PWDs’ ay para makatulong sa mga may kapansanan sa kanilang gastusin.

“PWDs remain as one of the most vulnerable sectors of the society. Given the high percentage of persons with a disability, there is a need for more social protection measures to be granted to them,” lahad ni Cabochan.

Sa nasabing House bill, kailangan na Filipino citizen ang grantee, dagdag din na dapat ay rehistrado itong botante at kasama sa tala ng Persons with Disability Affairs Office.

Ibibigay ang naturang regalo sa mga PWD o guardian nito sa buwan ng kanyang kaarawan.

Sinuman ang mandaya at magkunwari na rehistradong PWD ay pagmumultahin ng P10,000 hanggang P20,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?