P100-M aid sa Marawi, ibinigay ng US

Sharing is caring!

Maglalaan ng karagdagan na P100 million na tulong ang Estados Unidos para sa mga residente sa Marawi na nawalan ng tirahan at kabuhayan bunsod ng naganap na 5-buwan na bakbakan.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim, ang tulong ay idadaan sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID).

Bunsod nito, mabibigyan pagkakataon ang USAID partner na World Food Programme (WFP), na bumili ng 1,800 metriko tonelada na bigas na maaring magpakain ng 45,000 na katao sa loob ng apat na buwan.

Lumahok si Kim sa ceremonial turnover ng mga sako ng bigas sa WFP warehouse na dinaluhan din ni Social Welfare chief Emmanuel Leyco at Assistant Secretary Kristoffer Purisima.

Naglaan din ang Estados Unidos ng karagdagan na $6.6 million (P330 million) bilang suporta sa rehabilitasyon ng mga komunidad na naapektuhan ng naganap na krisis sa Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?