76

Nov 16, 2021 @ 15:09
By

P100 commemorative coin ng BSP simot agad

Sold out agad ang tatlong P100 commemorative coin na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Bida sa tatlong bersyon ng P100 coin sina Teresa Magbanua, Mariano Ponce at Emilio Aguinaldo.

Bagamat ibinenta sa halagang P350.00 kada piraso, agad umanong naubos ang mga barya.

Legal din umano ang mga commemorative coin at maaaring gamitin sa pagbili.

“Like BSP-issued coins in general circulation, commemorative coins are deemed legal tender, unless these coins have been demonetized,” saad ng BSP.

Gawa rin umano sa mamahaling materyales ang mga barya kaya’t agad itong bumenta.

“Most of these commemorative coins are minted from precious metals like gold and silver making them more extraordinary and more expensive,” ayon pa sa BSP. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?