227

Jan 2, 2018 @ 15:36

P100 bill na may 2 mukha ni Roxas, trending ulit sa socmed

Trending na naman ang isang video na pinost ng magkakaibigan sa Facebook kung saan makikita ang nakuha nilang P100 bill na may dalawang mukha naman ni dating Pangulong Manuel Roxas.

Sa FB page ng isang Emmanuel Claudio Constantino ipinakita ang larawan at video ng dalawang mukha ng dating pangulo sa harap at likod ng P100 perang papel.

Umabot na sa higit kalahating milyon ang views ng video kung saan ipinakita ang perang papel.

Sinabi sa video post na tunay umano ang pera dahil sa mga serial number nito at watermark.

Kamakailan lang ay nanawagan sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na huwag nang i-post sa social media ang umano’y mga perang may maling imprenta dahil nagdudulot daw ito ng pagdududa sa kredibilidad ng ating salapi.

“The BSP strongly urges the public to refrain from acts that could cast doubt on the credibility of our legal tender. Posting photos of alleged misprinted banknotes on social media causes confusion which may negatively affect commerce,” anang BSP sa kanilang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?