215

Dec 21, 2017 @ 13:32
By

P10-K tinangay sa ginang, 2 holdaper todas sa pulis

Kita sa CCTV footage sa kanto ng Cavite cor. Juan Luna St., ang paglapit ng tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo sa isang ginang.

Maya-maya pa, tinutukan na ng baril ang ginang at tinangay ang kanyang wallet na may lamang P10,000.

Agad naman na dumulog ang biktima sa Raxabago Police Station na nagkasa ng follow-up operation para mahuli ang mga suspek.

Dalawang oras ang makalipas matapos matunton ang pinagtataguan ng tatlo dahil sa motor nilang nakaparada malapit sa riles, nagkapalitan na ng putok at bumalagta na ang dalawa.

Tama ng bala sa katawan ang ikinamatay ng suspek na si Nestor de Vera at isa pa niyang kasamahan na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

Samantala, iginiit naman ng kapatid ng isa sa mga nabaril na mali ang napatay ng mga pulis. Nangangalakal lamang daw ang kanyang kapatid at hindi ito holdaper.

Positibo namang kinilala ng biktima ang mga napatay na suspek habang tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng Station 1 hinggil sa akusasyon na ito.

Posibleng miyembro raw ng motornapping group ang mga suspek dahil kamakailan lang ay nagkaroon ng mga carnapping case sa Gagalangin.

Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang nakatakas na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?