11
ABANTE jeepney jeep philippines puv buloc i-act
By

P1 ‘rush hour fare’ sa jeep, inihirit

Sharing is caring!

Naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang grupo ng mga jeepney operator at drivers para makapaningil ng dagdag-pasahe.

Sa 9-pahinang petisyon ng 22 operators-drivers sa Marikina City, nais nila na maging P10 ang minimum na pasahe sa jeep mula sa sinisingil ngayon na P8 para sa unang apat na kilometro ng biyahe.

Gusto rin nila na maging P12 na ang minimum fare sa mga air-conditioned jeeps.

Inihirit din nila na maging P2 ang bayad sa bawat isang kilometro na dagdag sa biyahe.

Giit ng mga operator na may biyaheng Marikina-Cubao at sumusunod na sa Euro-4 compliant standard na makina, hindi na nila kaya ang pagtaas ng halaga ng krudo.

Bukod pa rito, gusto rin nila na makasingil ng karagdagang P1 na tinawag na ‘rush hour fare’ na kanilang sisingilin mula alas-singko ng madaling-araw hanggang alas-otso ng umaga at alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.

Ang dagdag na ‘rush hour fare’ ay katulad ng sinisingil na ‘surge rate’ ng mga transport network vehicle services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?