268

Dec 12, 2017 @ 14:56
By

P1-M na multa sa ‘loading/unloading’ violators isinulong ni Castelo

Isinusulong ni House Metro Manila Development Committee Chairman Winston Castelo na taasan ang multa sa mga bus driver na nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero sa hindi tamang lugar.

Ayon kay Castelo, isa ito sa puwedeng gawin ng gobyerno bilang solusyon sa problema sa trapiko dahil ang madalas na paglabag ng mga bus driver sa loading at unloading policy ang isa sa dahilan ng pagsisikip ng lansangan.

Sa mungkahi ni Castelo, itataas sa P.5 milyon ang multa sa unang paglabag at P1 milyon para sa second offense.

Kung umulit pa sa pangatlong pagkakataon, kakanselahin na ang prangkisa ng bus.

Sabi ng kongresista, kailangang maturuan ng leksiyon ang mga pasaway na bus driver para hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lansangan sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?