36

Jun 15, 2021 @ 13:22
By

P1.6M shabu kalaboso sa Marikina, mag-asawa arestado

Aabot sa 1.6 milyong droga ang nakulimbat sa mga isinagawang buy-bust operation sa Marikina City nitong Lunes.

Nangyari ang unang drug ops sa isang bahay sa Bonanza Street, Brgy. Fortune kung saan nakatransaksyon ng isang pulis na nagkukunwaring buyer ang mag-asawang sina Rudolfo Unarosa at Grace Joy Unarosa.

Nakuha sa dalawa ang 80 gramo ng shabu na tinatayang umaabot ang halaga sa P544,000.

Ayon kay Marikina Police chief Col. Benliner Capili, ang mag-asawa ay kabilang sa Top 10 most wanted drug personality sa buong NCR.

Isa pang buy-bust operation ang nangyari sa Ampalaya Street, Brgy. Tumana kung saan nahuli naman sina Jonathan Pulido alyas Totong, Marifel Estoque at Aaron Jhon Guiya.

Kalaboso ng mga pulis ang 170 gramo ng shabu na nagkakahalaga naman ng P1.1M.

Nangako si Capili na ipagpapatuloy ang pagsawata ng iligal na droga sa Marikina City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?