811
P1.6M reward sa kaso ng pinaslang na Cebu student
By

P1.6M reward sa kaso ng pinaslang na Cebu student

Sumampa na sa P1.6 million ang cash reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga pumatay kay Christine Silawan.

Ang P1 million ay mula sa Lapu-Lapu City government; P500,000 mula sa isang dayuhan at P100,000 naman mula sa Police Regional Office.

Matatandaang natagpuang patay, walang damit na pang-ibaba at binalatan pa ang mukha ni Christine Silawan noong Marso 11 ng umaga sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?