32

Dec 4, 2021 @ 11:20
By

P1.6M na shabu nalambat sa sa Taguig

Tiklo ang isang lalaki sa pagbebenta ng mga hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1.6 milyon sa Taguig.

Nagsagawa ang mga pulis sa Taguig ng isang buy-bust operation sa Barangay New Lower Bicutan nitong Biyernes ng gabi.

Nahuli naman ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga.

Narekober dito ang limang sachet ng hinihinalang shabu, isa sling bag, at P6,000 na buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?