38

By

P1.6M halaga ng shabu nakumpiska sa Cebu

Umaabot sa P1.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkakahiwalay na buy-bust operation, Biyernes sa Cebu.

Kinilala ni Lt. Col. Janette Rafter, ng Toledo City Police Station, ang naaresto na si Angie de Gracia, nasa hustong gulang, job order employee ng Provincial Health Office.

Nakuha mula kay De Gracia ang 220 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Samantala sa Cebu City, timbog si Sherwin Simbahon, 25-anyos, ambulance driver, matapos makuhanan ng 50 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Kamalig, Barangay Labangon.

Nakumpiska mula kay Simbahon ang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Kapwa nakakulong ang dalawang suspek at hinihintay ang pagdinig sa kasong paglabag sa RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?