7

Sep 11, 2020 @ 15:36
By

P1.6M ecstasy nasabat sa Pampanga

Nabisto ng Bureau of Customs-Port of Clark ang may 988 piraso ng ecstasy tablet na tinatayang nasa P1.6 milyong halaga.

Ayon sa pahayag ng Customs nitong Biyernes, idineklara bilang “air humidifier” ang kargamento at dumating noong September 1 mula sa isang Milton Keynes sa United Kingdom.

Agad itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga nasamsam na ecstasy para sa proper disposition.

Naglabas na rin si District collector Atty. Ruby Alameda ng warrant of seizure and detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa “Customs Modernization and Tariff Act”.

Sabi ng BOC, iyon na ang ika-18 shipment ng iligal na droga sa Port of Clark na natiklo nitong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?