sanofi1
By

P1.6-B refund ng Sanofi, planong gawing supplemental budget

Sharing is caring!

Pinag-aaralan na ng House appropriations commmittee ang posibilidad na gamitin bilang supplemental budget ang P1.6 billion na isinauli ng Sanofi Pasteur.

Ito ay ang halagang katumbas ng Dengvaxia vaccines na hindi nagamit ng Department of Health matapos pumutok ang kontrobersiya sa panganib na dala ng bakuna sa mga hindi pa nagkaka-dengue.

Sa ibinigay na briefing ng Department of Health sa appropriations committee na pinangunahan ni chairman Karlo Nograles, inihayag ng ahensiya na may latag na sila ng programa at plano na gugugulan ng nasabing pondo.

Kabilang sa popondohan nito ang medical assistance program para sa Dengvaxia patients (P84-M), outpatient care package (P776.250-M), deployment of nurse – health education and promotion officers (P67.807-M), proposed active case finding o profiling (P300-M), at pamamahagi ng medical kits sa mga nabakunahan (P270-M).

Pero agad kinuwestiyon ni Nograles ang bahagi ng programa na pamamahagi ng medical kits dahil masyadong malaki ang alokasyon dito na mahigit P200 milyon pero ang laman ng kits ay thermometer, 1 bote ng mosquito repellant at 2 bote ng multi-vitamins.

Kahit ang grupo ng mga magulang ng Dengvaxia vaccinees ay tutol dito dahil hindi umano ito ang pinaka-kailangan ng kanilang mga anak na nabakunahan.

Ayon sa presidente ng grupo na si Sumachen Duminguezc, kailangang mag-house to house ang mga taga-DOH para masigurong masusuyod ang mga komunidad na may residenteng nabakunahan ng Dengvaxia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?