107

Oct 17, 2021 @ 10:21
By

P1.6-B halaga ng shabu butata sa Dasma

Timbog ang dalawang kelot matapos mahulihan ng P1.656 bilyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ang magkasabwat na sina Wilfredo Blanco Jr. at Megan Perero.

Ayon sa ulat ng GMA News, nasa 240 kilo ng ilegal na droga ang nasabat sa dalawa.

Batay sa report, isang kilo lang dapat ang bibilhin ng PDEA sa dalawa ngunit napag-alamang marami pa pala itong baon sa kanilang van.

Anang dalawang suspek, ide-deliver sana ang shabu sa CALABARZON, Visayas, at Mindanao.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act ang dalawa. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?