15

Oct 18, 2020 @ 15:37
By

P1.5M puslit na baril nasabat sa Pasay

Naharang ng Bureau of Customs – NAIA ang abot sa P1.5M halaga ng mga baril at firearm accessory na walang kaukulang import permit mula sa Firearms and Explosive Office-Philippine National Police (FEO-PNP).

Ayon sa BOC-NAIA, ang 28 parcel ng mga baril ay nakuha sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City, kung saan nasa pangangalaga na ng Enforcement and Security Service ng FEO-PNP ang nasabing mga baril.

Nasabat ang mga naturang baril dahil sa paglabag sa Section 117 at Section 1113 ng Republic Act No. 10863 (CMTA) na may kinalaman sa R.A. No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang kaso ay ibibigay sa Bureau Action Team Against Smugglers at Legal Service para sa mga susunod na imbestigasyon, case build up at paghabol sa mga importer ng mga baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?