26

Oct 23, 2020 @ 17:29
By

P1.5M pinapasoli ng Sandiganbayan: Pichay swak sa graft

Sinentensyahan si Surigao de Sur Rep. Prospero Pichay Jr. na mananagot sa kasong graft matapos na magkaloob ng P1.5M grant sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) mula sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

Ayon sa Sandiganbayan, iligal ang binigay na grant ng LWUA, na noo’y si Pichay ang acting chairman, para sa NCFP kung saan nagsilbi rin ang ngayo’y kongresista sa naturang sports federation.

Bukod kay Pichay, sabit din ang dalawang dating opisyal ng LWUA na sina Emmanuel Malicdem at Wilfredo Feleo dahil sa naturang grant, kung saan hinatulan sila ng anim hanggang walong taong pagkakakulong at bawal na rin humawak ng pwesto sa gobyerno.
Multa din ng P5,000 si Pichay sa paglabag naman ng Code of Conduct for Public Officials and Employees dahil sa parehong insidente.

“Accused Pichay’s claim that he was unaware of the budget for sponsorship of chess events as of the time when the LWUA-BOT deliberated on the 2010 Operating Budget deserves scant consideration. Such a claim contradicts his own statement that he saw no problem with the subject budget line item when he reviewed the proposed corporate operating budget,” saad sa desisyon ng Sandiganbayan.

“The prosecution was able to prove beyond reasonable doubt all the elements of violation of Section 3(e) of R.A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) and that the accused acted in conspiracy with each other,” lahad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?