22

Jan 11, 2018 @ 22:36
By

P1.54-B misused funds noong 2016, nabawi ng COA

Iniulat ng Commission on Audit (COA) na umabot sa P1.54 billion ang kabuuang koleksiyon nila ng misused funds na ibinalik ng mga opisyal ng gobyerno para sa taong 2016.

Mas mataas ito ng 208 porsiyentokumpara sa P500 milyon na nabawi noong nakaraang taon.

Ayon sa COA, 800 notices of disallowances (ND) na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon ang mula sa Education and Employment Cluster ng National Government Sector.

Gayunman, mas mababa ang naturang halaga sa P4.5 billion na halaga ng 4,775 NDs na na-isyu ng COA noong nakaraang taon.

Sabi ni COA Chairperson Michael Aguinaldo, nakatutok sila sa lalo pang pagpapabuti ng recovery ng unsettled liabilities ng mga opisyal.

“We are focused on ensuring that public funds are expended or utilized according to laws, rules and regulations and preserving resources against wastage and unnecessary, excessive, extravagant and unconscionable expenditures,” ani Aguinaldo.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?