32

By

P1.3M na pekeng sigarilyo, nakumpiska sa Lucena

Sharing is caring!

Tinatayang aabot sa P1.3 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo ang nasamsam sa ginawang raid ng mga pulis sa Lucena City noong Sabado.

Sa bisa ng isang search warrant, sinalakay ng Lucenta City police ang isang bahay sa Barangay 9 dakong alas-4 ng hapon aat nadiskubre ang maraming kahon ng mga pekeng sigarilyo

Ang nasabing bahay ay nirerentahan ng isang Filipino-Chinese na nakilalang si Andy Chua, 42.

Narekober ng mga awtoridad ang 250 na kahon ng ibat ibang uri ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Chua sa mga awtoridad. Inaalam pa rin kung sino ang source ni Chua ng kanyang mga pekeng produkto. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?