15

Nov 19, 2021 @ 10:23
By

P1.3M hinihinalang shabu nasamsam sa Makati; 2 tiklo

Nagkakahalagang P1.3M ng hinihinalang shabu ang nakuha sa isinagawang operasyon ng Makati City Police.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis atsaka nadakip sa buy-bust operation ang suspek na si alyas Tatay at alyas Omar sa Magnolia Street.

Nasa halagang P85,000 ang napagkasunduan ngunit may dala pa ang mga ito na isa pang plastic bag ng hinihinalang ilegal na droga.

Na-rekober sa mga suspek ang P1.3 milyong halaga ng mga shabu.

Haharap naman sa kaukulang kaso ang dalawa. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?