48

By

P1.2B jackpot sa Ultra Lotto 6/58, nakakapanabik

Dagsa na naman ang lahat ng pila sa mga lotto outlet dahil sa tumataginting at nakakalulang mahigit isang bilyon at dalawang daang libong pisong jackpot prizi ng Ultra Lotto 6/58, matapos na wala pa ring nakasungkit ng P1-bilyong premyo nito sa draw noong Martes.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, wala pang nakakakuha ng winning combination na 12-16-46-03-38-36 na binola noong Martes kaya asahan na mas lalaki pa ang jackpot prize nito na huling naitala ay nasa P1.2-bilyon na.

Sinabi pa ni Balutan na ang P1.2B jackpot prize ay ang pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa bansa.

Matatandaang ang Ultra Lotto 6/58 ay huling napanalunan noong Pebreo 16, 2018 ng dalawang masuwerteng mananaya na taga-Calamba City sa Laguna at taga-Bustos, Bulacan na nanalo ng P331.90-Milyon jackpot na umabot ng limang buwan na pagbola.

Ang 6/58 Ultra Lotto game ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?