67

Oct 18, 2019 @ 15:15
By

P1.1M siopao hinarang sa Bacolod

Ibinalik sa Cebu ang nasa P1.1 milyong halaga ng siopao matapos itong harangin sa Bacolod Real Estate Development Corp. Port.

Paliwanag ni Dr. Ryan Janoya, head ng Animal Health and Meat Inspection Services Division ng Provincial Veterinary Office, may kargang 51,840 na piraso ng siopao ang hinarang na container van na binawalang makapasok sa lungsod dahil sa 90-day ban sa pork at pork products na mula sa Luzon.

Nagmula ang kargamento sa Mandaue City, Cebu pero sa mga dokumento nito nakasaad ang manufacturing address nito ay sa Quezon Province kaya ibinalik ito ng Provincial African Swine Fever Task Force sa Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?