37
6 estudyanteng tulak huli sa QC
By

P1.1M halaga ng marijuana nabisto sa 2 college student

Arestado ang dalawang college student matapos mahulihan ng anim na marijuana bricks na tinatayang nasa P1.1 milyon sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan, Sabado ng madaling-araw.

Batay sa nakalap na report mula kay Police Col. Chito Bersaluna, Director ng Bulacan Provincial Police Office, nakilala ang mga suspek na sina Paolo Licud, 21-anyos, residente ng Magdalena Subd., Barangay San Juan, Balagtas at Mark John Paul Bateni, 18-anyos, ng Barangay Tabe, Guiguinto, Bulacan.

Nabatid na kabilang sa listahan ng Unified Watchlist ang dalawang estudyante kaya agad na isinagawa ng mga tauhan ng Balagtas Police sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang buy-bust operation sa Barangay San Juan, Balagtas bandang 12:10 ng madaling-araw.

Isang pulis ang umaktong poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mga suspek para makabili ng marijuana at doon na dinampot ang dalawa na kung saan nakuha pa ang anim na marijuana bricks.

Ayon kay Col. Bersaluna, posibleng kinukuha ang mga pinatuyong dahon ng marijuana sa Cordillera matapos maimbestigahan na umaakyat umano patungong Baguio ang isa sa mga suspek.

Dinala ang mga nakumpiskang marijuana sa Bulacan Crime Lab para sa examination.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang estudyante sa Balagtas detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?