17

By

P1.16B Sanofi refund, ilaan sa Dengvaxia recipients – Legarda

Sharing is caring!

Inihain ni Senadora Loren Legarda ang isang panukalang batas kung saan ipinalalaan sa mga nabakunahan ng Dengvaxia ang P1.16 billion na isinauli ng Sanofi Pasteur sa gobyerno.

Ang nasabing halaga ay refund ng Sanofi para sa Dengvaxia na hindi na ipinaturok ng Department of Health (DOH) kasunod ng hinala na sanhi ito ng pagkamatay at pagkakasakit ng ilan sa mga nabakunahan.

Sa panukala ni Legarda, chairman ng Senate committee on finance, gagawin iyong supplemental budget ngayong taon para magamit sa pagpapa-ospital, sa medical kits, check up at laboratory tests ng nasa 830,000 Dengvaxia recipient.

Gagamitin din ito para mabantayan ang kundisyon ng mga bata dahil sinasabing bibilang ng buwan o taon para makita ang epekto ng Dengvaxia sa ilang bata.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ukol sa Dengvaxia, tinukoy na P3.5 bilyon ang madaliang ipinalabas ng Aquino administration para mabili at maipabakuna sa mga bata ang Dengvaxia mula noong Mayo 2016.

Noon Nobyembre 2017, inihayag ng Sanofi na maaring makasama ang bakuna kapag itinurok sa hindi pa nagkakasakit ng dengue.

Nung ihayag ito, nabakunahan na ang 830,000 halos lahat ay mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?