17
dengvaxia
By

P1.16-B Dengvaxia supplemental budget, lusot sa komite sa Kamara

Sharing is caring!

Aprubado na ng House appropriations committee ang panukalang P1.16 bilyong supplemental budget para sa Department of Health (DOH) na gagamitin sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Ang P1.16 bilyon ay ang halagang ibinalik ng Sanofi para sa Dengvaxia vaccines na hindi nagamit matapos ipatigil ng gobyerno ang programa.

Sa revised proposal na inilatag ng DOH alinsunod sa rekumendasyon ng komite, maglalaan ng P945 million para sa medical assistance ng Dengvaxia vaccinees.

P148 million naman ang ilalaan sa public health management kabilang ang supply ng gamot at monitoring sa mga nabakunahan, habang P67 million para sa human resource for health na pampa-sweldo sa mga nurse na magsasagawa ng profiling ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Kung sakaling hindi maubos ang naturang pondo ngayong taon ay hindi na ito ibabalik sa National Treasury at sa halip ay maaari pa ring gamitin ng DOH para sa Dengvaxia vaccinees.

Target naman ng Kamara na aprubahan ang panukala bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa katapusan ng buwan.

Sinabi ni committee chairman Karlo Nograles na hihilingin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan ito bilang urgent bill para maipasa sa second at third and final reading sa susunod na linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?