8

Jan 4, 2021 @ 19:03
By

P-pop group na BINI, mahirap pinagdaanang ensayo

“Sobrang hirap po” — ganyan inilarawan ng isang miyembro ng BINI ang pinagdaanang training bago pa sila makilala.

Sa isang talk show, ipinakilala ang pinakabagong Pinoy pop group na BINI.

Binubuo ito nila Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Sheena, at Jhoanna.

Ayon kay Colet, halos buong araw silang nag-eensayo.

“[G]umigising kami ng 7 a.m. One hour before po dapat gumigising na kami para mag-prepare ng kailangan naming gawin. Mag-start kami ng 8 p.m. ng dance until 12 noon. Lunch break namin. Tapos 1 to 4 p.m. vocals namin po. The rest of the time po ay self-practice po,” aniya.

Talento sa pag-awit at pagsayaw ang pinapakita ng nasabing grupo ngnunit bukod pa rito ay marami pa sila umanong mga baon.

Anila, ipagpapatuloy ng kanilang grupo ang kanilang ginagawa. Lubos din ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?