82

By

Cebuana Lhuillier nagpasaklolo sa nag-leak na impormasyon ng kanilang kustomer

Humingi ng tulong ang P.J. Lhuillier Group of Companies, ang parent company ng Cebuana Lhuillier, sa National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa nadiskubreng “data breach” sa kanilang e-mail server.

Ayon sa korporasyon, naapektuhan ng insidente ang personal informations ng kanilang 900,000 na kustomer.

Ilan sa maaaring nakompromiso na detalye ay ang address, birthday maging ang pinagkakakitaan ng mga kliyente.

Pagtitiyak naman ng korporasyon, hindi apektado ang mga transaksyon sa kanilang mga kompanya.

Inihayag din na gumawa na ng mga hakbangin para protektahan ang iba pang mga impormasyon at upang hindi na maulit ang insidente.

Wala pang pahayag ang NPC ukol sa gagawing pag-iimbestiga rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?