29

Jun 13, 2020 @ 21:23

P.7M pinatuyong sea horse, sea dragon naharang sa checkpoint

Anim na kalakihan ang nahulihan ng kilo-kilong pinatuyong sea horse at sea dragon sa isang checkpoint sa Barangay Poblacion Taytay, Palawan.

Sa lumabas na report, ayon na rin sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ang insidente ay nangyari noong Miyerkules ng gabi kung saan nasabat ng mga pulis ang nasa P700,000 halaga ng pinatuyong hayop sa checkpoint sa Barangay Poblacion.

Ayon kay Fabello, tagapagsalita ng PCSD, matagal nang pinamamanmanan ng mga awtoridad ang mga suspek na hindi muna pinangalanan.

Unang nahuli ang 5 katao na sakay ng pickup dala ang mga karton ng patay na sea horse at sea dragon. Kalaunan, dumating ang isang babae na nagsabing siya ang nagmamay-ari ng negosyo kaya’t inaresto rin siya ng mga pulis.

Inihahanda na ng PCSD ang pagsasampa ng kaso sa mga suspek. (Riz Dominguez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?