2,821

Jun 26, 2019 @ 11:52
By

P.5M pinusta! Pacquiao tulog bago ang 3rd round – Thurman

$10,000 o halos kalahating milyong piso ang pusta ni Keith Thurman sakaling mapabagsak niya si Manny Pacquiao bago pa umabot ang third round.

Sa panayam ng TMZ Sports, abot langit ang kumpiyansa ni Thurman sa kanyang sarili, naniniwalang mapapatulog si Pacquiao na taliwas sa naging laban ni Pac-Man kontra Adrien Broner.

“I’m younger. I’m gonna let my hands go in a way that Adrian Broner didn’t,” ayon kay Thurman. “I’m gonna make it a fight!”

Sasandig si Thurman sa kanyang paniniwala na mas mabilis siya kay Pacquiao, at alas ang kanyang umanong pagiging bayolente sa ring.

“That’s motivation! I can’t go 3 minutes going ‘tap, tap, tap’ when I got $10k on the round!” saad pa.

Maghaharap ang dalawa sa Hulyo 20 sa MGM Grand Arena para sa WBA welterweight belt na hawak ngayon ng ‘Pambansang Kamao’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?