75

Apr 3, 2018 @ 11:25

P.5M halaga ng ari-arian naabo sa Davao City

Sumiklab ang isang sunog sa Purok 4, Pag-asa, Bankerohan, Davao City, Lunes ng hapon kung saan tinatayang aabot sa P500,000 ang halaga ng mga ari-arian na naabo.

Ayon sa report, 10 bahay at 20 stalls sa Purok 4 ang nasunog na nagsimula alas-kuwatro ng hapon.

Isa umano sa mga tinitingnang sanhi ng sunog ang napabayaang nilulutong pagkain dahil wala umano ang may-ari ng bahay nang mangyari ang insidente ngunit kasalukuyan pa itong bineberipika ng Davao City Fire District.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang dinaanan ng sunog.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?