67

Nov 28, 2017 @ 19:05
By

P.5-M multa sa mga bus driver, pinalagan

“P.5M multa sa mga bus driver, OA!”

Ganito isinalarawan ng isang opisyal ng isang kumpanya ng bus ang itinutulak na kalahating milyong pisong multa sa mga bus na makakaabala sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Sinabi ni Jose Aguilo, operations manager ng Philtranco, hindi makatotohanan ang isinusulong na halaga ng multa.

Ngunit aminado si Aguilo na matindi talaga ang pangangailangan na madisiplina ang mga bus driver na bumibiyahe sa EDSA.

Aniya, hindi naman kayang magbayad ng P500,000 multa ng mga driver, maging ang mga kumpanya ng bus.

Sinabi pa nito na kung tataasan ang multa sa mga bus driver, dapat ay hindi na ito lalagpas pa sa P5,000.

Kinontra din ni Aguilo ang panukala na ipatupad ang ‘odd-even scheme’ sa mga pampublikong sasakyan dahil lubha nang maaapektuhan ang mga pasahero. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?