87

Apr 25, 2020 @ 10:43
By

P 1K, 50kg bigas ipamimigay sa Gapan City

Ipamamahagi nina Gapan City Nueva Ecija Mayor Emerson Pascual at Vice Mayor Inocencio Bautista ang tinatayang P34 M na pangayuda para sa 34,000 household sa gitna ng extended ECQ.

Tig-isang libong cash na may kasamang tig-isang sako ng 50 kilo na bigas ang nakatakdang ipamahagi simula sa Lunes.

Tiniyak ni Mayor Pascual na walang gagamitin na listahan kundi bawat pintuan ng bahay, nakarehistro man o hindi, mabibigyan.

Nakiusap lang ang dalawa sa mga residente na makinig sa mga tagubilin na “stay home”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?