61
ABANTE scammers owwa fake
Jan 16, 2018 @ 18:21
By

OWWA nagbabala sa mga OFWs ukol sa scam artists

Nagbigay ng babala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa publiko ukol sa mga indibiduwal at grupo na nanloloko sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Unang ipinabatid ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac ang babala sa kanyang Twitter account.

“Please avoid scammers and fixers who pretend to be in a position to process OWWA benefits for OFWs,” ang tweet ni Cacdac.

Aniya, maging mga pamilya ng mga OFWs ay nabibiktima at nakukuha ng mga scammers ang benepisyo na para sa kanila.

Ang mga scammers ay nagpapakilalang mga ahente ng OWWA at nag aalok ang kanilang serbisyo para makuha ng OFWs ang kanilang mga benepisyo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?