174
OWWA may libreng hatid-sundo sa mga stranded OFW sa NAIA
Mar 23, 2020 @ 14:16
By

OWWA may libreng hatid-sundo sa mga stranded OFW sa NAIA

Inanunsyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maaaring gamitin ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang libreng transportation service nito mula at papunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Ang Hatid-Sundo sa Stranded OFW ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force para sa coronavirus.

Nilunsad ito noong Marso 17 at magpapatuloy hanggang maalis ang the community quarantine

Pitong bus ang nagbibigay ng shuttle service sa mga OFW sa North at South Luzon at NCR. May schedule ito na alas-7:00 ng umaga, alas-12:00 ng tanghali at alas-6:00 ng gabi.

Maaaring tingnan sa Facebook page ng OWWA ang kompletong detalye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?