15

Jun 24, 2022 @ 16:21
By

OWWA handa sa anomang tulong na kakailanganin para sa napatay na Filipino lawyer sa US

Nakahanda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na umalalay sa ano mang kakailanganing tulong para sa pagpapauwi sa labi ni Atty. John Albert Laylo na binaril ng isang Amerikano habang nasa loob ng Uber na sasakyan sa Philadelphia, USA noong weekend.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mayroon na silang ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) para alamin kung ano ang maaaring itulong sa pamilya Laylo.

Hindi aniya OFW si Atty. Laylo sa Amerika kaya tinitingnan nila ang mga maaaring gawin para sa pagpapauwi sa labi nito sa Pilipinas.

“We’re working hand in hand with the DFA. As we understand he was not an OFW in the US, tourist ang status niya so we are coordinating with the DFA. We are just on hand for any type of assistance that Usec Sara Arriola and Sec. Locsin may request from us per direction of Sec. Bello,” ani Cacdac.

Nagpaabot ng pakikiramay ang OWWA Administrator sa pamilyang naulila ni Atty. Laylo at hangad na makamit ang hustisya sa sinapit nito.

“Attorney Jal is a colleague in the legal profession and we pray respects to him, our condolences to his family,” dagdag ni Cacdac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?