67

By

Owner ng Cavaliers, pasalamat kay Bron

Sharing is caring!

Walang masamang tinapay kay Cleveland Cavaliers co-owner at chairman Dan Gilbert sa muling paglayas ni LeBron James.

Nang pumutok ang balita kahapon na lilipat na si James sa Los Angeles Lakers, naglabas ng statement si Gilbert, puro papuri at pasasalamat sa kanyang superstar.

“We will always remember the evening of June 19, 2016 as the Cleveland Cavaliers, led by LeBron James, ended the 52-year drought delivering the long elusive championship that many thought they would never see… A championship that united generations of Clevelanders, both living and passed,” unang bahagi ng statement.

Noong 2010 nang basagin ni LeBron ang kanyang The Decision para lumipat sa Miami, puro maaanghang na salita ang nilabas ni Gilbert.

Makalipas ang apat na taon at dalawang kampeonato sa Heat, bumalik si LeBron sa team na nag-draft sa kanya mula high school bilang No. 1 overall noong 2003. Nagkabati na sila ni Gilbert, meron naman siyang The Promise na ibibigay ang titulo sa Cleveland, tinupad niya makalipas ang dalawang taon.

Kampeonato sa Cleveland na huling natikman noong 1964 pa.

“None of this would have happened if LeBron James did not agree to come back home and lead the Cavaliers to the promised land. The entire Cavaliers franchise thanks LeBron for that precious moment and for all of the excitement he delivered as he led our team to four straight NBA Finals appearances,” dagdag ni Gilbert.

May wish ang Cavs owner na “nothing but the best in the years and decades ahead” para kay LeBron, sa asawa nitong si Savannah, inang si Gloria at mga anak.

Pagkatapos ng pasasalamat, sa huli ay may mensahe si Gilbert kay James: “We look forward to the retirement of the famous #23 Cavs jersey one day down the line…” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?