289

Apr 15, 2021 @ 10:33
By

OVP spox: Robredo mahirap na boss kasi…

Tinanong si OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez kung kamusta si Vice President Leni Robredo bilang boss.

“Mahirap na boss si VP Leni in the sense na… ang hirap ‘pag ‘yung boss mo, ang sipag!” sagot ni Gutierrez sa “Balitaan at Kumustahan” ng Politiko, sabay tawa.

“Nakakapagod, kasi kailangan mo siyang sabayan, ‘di ba? Eh siya, mula umaga hanggang gabi, nagtatrabaho,” aniya pa.

Lalo pa aniya ngayon na may panibagong community quarantine sa Metro Manila at sa ilan pang lugar sa bansa, dahil work from home na ang sistema sa trabaho.

“Ang ibig sabihin ng work from home, work at all hours. Kasi habang gising siya, parang tatawagan ka, o ite-text ka, gising ka. Kailangan mo din sumagot,” sabi ng opisyal.

“Nakaka-inspire ‘yon, lalo na ‘pag nakikita mo ‘yung energy niya. Pero at the same time, minsan, hirap din sumabay!” dagdag niya sabay halakhak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?